Nesthy Petecio, pinaghahandaan ang pagsabak sa Paris Olympics

Pinaghahandaan na ni Nesthy Petecio ang mga makakalaban niyang mga batikang boksingero sa Paris Olympics.

Makakalaban ni Petecio ang mga pambato ng Kazakhstan, Italy, at Chinese Taipei.

Gayonpaman, hindi ito nangangahulugan aniya na minamaliit niya ang ibang mga boksingero na sasabak din sa Paris Olympics. Sa katunayan aniya, pinaghahandaan niya ang sinumang mapatapat sa kanyang draw, pagsapit ng Olympics.

Si Petecio ang isa sa limang mga Pilipinong boksingero na na na-qualify para sa Paris Olympics.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *