Bayan ng Pandan, Catanduanes nasa “high risk status” ngayon ng COVID-19

Pandan, CATANDUANES — Kinumpirma mismo ni Pandan, Catanduanes Mayor Honesto Tabligan na nasa “high risk status” ng COVID-19 ang kanilang bayan matapos na makapagtala ng 18 aktibong kaso ng sakit.

Ayon kay Tabligan, lubhang sumirit ang COVID-19 cases sakanilang bayan matapos na tamaan ng virus ang isang grupo ng choir sakanilang simbahan na pawang magka kamag-anak.

Edad 17-anyos ang pinakabata sa mga tinamaan ng sakit habang 80-anyos naman ang pinaka matanda na mga residente mula sa apat na barangay ng kanilang bayan partikular ang mga barangay ng Libod, Del Norte, Del Sur at Napo.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Sa 18 aktibong kaso, 12 sa mga ito ang nasa isolation facility sa Pandan Seashore Park habang ang anim na iba pa ay naka admit sa pagamutan ng bayan.

Bunsod ng mataas na bilang ng mga tinamaan ng sakit, ang bayan ngayon ng Pandan ay pumapangalawa na sa may pinakaraming kaso ng COVID-19 sa 11 bayan sa Catanduanes.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa pinakahuli update ng DOH-Bicol kahapon, 17 bagong kaso ng sakit ang naidagdag sa islang lalawigan, kung saan pito nito ang mula sa Pandan; tigda-dalawa ang mga bayan ng Bagamanoc, Baras at Virac habang tig-iisang bagong kaso naman ang nairehistro sa mga bayan ng Gigmoto, San Miguel, San Andres at Viga.###