CAMARINES NORTE- Inaprobahan ng Sangguniang Bayan ang hiling ng Local Chief Executive na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Local Government Unit of Basud para sa pagpapalakas ng Philippine Identification System (PhilSys) registration.
Ang naturang MOA sa pagitan ng dalawang panig ay para sa implementation ng PhilID registration Assistance Project sa naturang bayan.
Layon nito na mas lalo pang magtulungan ang LGU at PSA sa implementasyon ng naturang programa.
Walang magiging financial liabilities sa panig ng LGU at ang layuinin lang nito ay masigurong lahat ng residente sa naturang bayan ay mairehistro sa PhilSys.
Sa datos ng PSA umaabot na ngayon sa 414, 659 na mga taga Camarines Norte ang nakakapagparehistro sa PhilSy) mula nang simulan ito noong Hunyo 2021.
Patuloy naman ang panghihikayat ng PSA sa mga opisyal ng barangay sa 12 bayan na makipag ugnayan sa kanilang opisina kung mayroon pang mga unregistered sa kanilang barangay.
