Mga susunod pang Civil Service Exam dito na rin gagawin sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Hindi na kailangang dumayo pa sa Naga City o sa labas ng probinsiya ang mga taga Camarines Norte na kukuha ng Career Service Examination- Pen and Paper Test (CSE- PPT) sa mga susunod na araw.

Ito ang inihayag ni Camarines Norte Acting Director II Atty. Alicia Salinas ng Civil Service Commission sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Aniya isa nang testing center ang probinsiya kaya simula bukas at  sa mga susunod pang examination ay dito na lang gagawin.

“Isang good news na pwede kung sabihin, simula ngayon ang Daet, Camarines Norte ay isang ann na, testing center na talaga, so palagi na po ditong mag eexam hindi lang ngayong linggo,” ani Salinas.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Sa darating na Hunyo ay magkakaroon uli ng kahalintulad na examination at bukas na ito para sa lahat.

Tanging agency request lamang kasi ngayon ang accomodation ng CSS na kukuha ng exam bukas.

Lahat umano ng ahensiya ng gobyerno national man o lokal na pamahalaan ay binigyan ng CSC ng tyansa.

Ang filing of application para sa June 2022 CSE- PPT, Professional at Sub- Professional examinations ay sa Hunyo at inaasahang mas marami  dahil bubuksan na ito sa lahat ng mga nagnanais ng exam.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Gayunman nilinaw ni Salinas na magdedepende pa rin ito sa mga restrictions na ipapatupad ng gobyerno.

“Baka kasi by next exam hindi pa sigurado kasi kung maluwag na talaga and almost pawala na yung pandemic baka ibalik na sa 25 examinees per room, so yung 50 rooms na yun nasa 1,000 plus na yun na examinees pero hindi pa sigurado kung by June ganun na nga,” pahayag ni Salinas.