Mga nagpaparehistro sa National ID , bumaba ayon sa PSA CamSur

NAGA CITY- Bumaba ang bilang ng mga nagpaparehistro sa para sa National ID, ito ang obserbasyon ng Philippine Statistics Authority sa Camarines Sur.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Supervising Statistical Specialist Raul “Bong” Aspe na ito ay dahil marami na ang nakapagrehistro at pagkadismaya sa matagal na distribusyon ng nasabing ID. Aniya ang papel ng PSA ay kunin ang mga impormasyon habang sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang printing.  Mahigit isang taon ang binubuo ng marami bago makuha ang ID.

Read More:  Gunmen kill farmer in hail of bullets outside home in southern Negros town

Kugnay nito titutungo ng tanggapan ang malalayong barangay upang dalhin ang serbisyo. Sa mobile registration nakikipag coordinate ang mga PSA sa mga LGUs at barangay para sa kanilang schedule.

Read More:  Grade 10 student dies after lightning strike during Cebu beach picnic

Samantala dahil sa problemang nararanasan nakikita ng PSA ang posibilidad na pagbibigay ng digital form ng nasabing dokumento upang magamit na.

Sa huling tala ng opisina may 1.3 milyon nang taga Camarines Sur ang nagparehistro.