Mahigit 1,000 na benepisaryo ng 4PS, fully vaccinated na

Umabot na sa 1,424 na benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program(4Ps) sa lambak ng Cagayan ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni Pantawid Program Information Officer Jeanet Lozano ng DSWD RFO2 sa panayam ng 92.9 Brigada News FM.

Aniya, mula sa 106, 212 household na aktibong miyembro ng 4Ps sa rehiyon ay 2, 816 pa lamang dito ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang 1,424 naman ang fully vaccinated.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kabilang sa mga nabakunahan ay mga barangay health workers at iba pang essential workers sa rehiyon.

Ayon pa kay IO Lozano, nakadepende lamang umano sa priority group at availability ng vaccine ng DOH at LGU ang mga benepisaryo ng 4Ps na kailangan nang mabakunahan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Samantala, mula sa kabuoang bilang ng household 4Ps beneficiaries ay 33,912 ang mula sa Cagayan; 48,614 naman sa Isabela; 15, 186 sa Nueva Vizcaya at 8,500 sa probinsya ng Quirino.