MOA para sa itatayong PRC Building sa Koronadal, nilagdaan na

KORONADAL CITY — NAGSAGAWA ng Deed of Donation at Memorandum of Agreement o MOA signing ceremony ang City Government ng Koronadal at Professional Regulatory Commission o PRC-12 kahapon.
Ang seremonyang ito ay dinaluhan ng ilang mga opisyal ng PRC at ng lokal na gobyerno ng Koronadal.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ito ay may kaugnayan sa pagpapatayo ng 7-story building sa Prime Regional Center ng Region-12 para sa PRC.

Ang naturang proyekto ay pinondohan ng P100-Million sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022.
Pinasiguro naman ng lokal ng gobyerno ng Koronadal ang suporta para sa naturang gusali.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Pangungunahan naman ng Department of Public Works and Highways o DPWH-12 ang konstruksyon ng proyekto sa loob ng 320 na araw.