Inanunsyo ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang natitirang mga entry para sa 2023 edition nito batay sa mga nagsumite.
Sa halip na tradisyonal na 8-film lineup, magkakaroon ng 10 pelikula ang festival ngayong taon.
Kabilang na rito ang When I Met You in Tokyo nila Christopher de Leon at Vilma Santos, Becky and Badette nila Eugene Domingo at Pokwang, Mallari nila Piolo Pascual at Janella Salvador, Broken Hearts Trip ni Christian Bables, Firefly ni Alessandra de Rossi, at Gomburza nila Enchong Dee, Dante Rivero, Piolo Pascual and Cedrick Juan.
Maalalang inilabas na rin ng MMFF ang naunang batch ng entries noong Hulyo.
