MMDA, pinaghahandaan na ang holiday season traffic

Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpaplano para sa inaasahang matinding trapiko sa panahon ng holiday rush.

Ayon kay MMDA Director for Traffic Enforcement Group Attorney Victor Nuñez, kasabay sa planong gagawin ang mahigpit na pagbantay sa mga pangunahing lansangan, tulad ng EDSA, C5, Balintawak, at Commonwealth Avenue.

Sinisikap din ng MMDA na palawigin ang oras ng trabaho ng mga field personnel hanggang hatinggabi sa darating na pasko.

Ito ay upang matiyak ang kaligtasan sa kalsada kahit na sa mga late hours.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *