Bagong NBI Director Jaime Santiago – itutuloy ang paghahanap kina dating Cong. Teves at dating BuCor chief Bantag

Pormal nang isinagawa ang turn-over ceremony para kay outgoing National Bureua of Investigation (NBI) director Medardo de Lemos, para sa baong hepe na si NBI director Jaime Santiago.

Inihabilin ni de Lemos ang ilan pa sa mga malalaking kasong pending sa NBI.

Kabilang na rito ang paghahanap sa mga wanted na si dating Bureau of Corrections director general Gerald Bantag, pati na rin ang kaso laban kay dating rep. Arnie Teves.

Read More:  Greenpeace Philippines insists ASEAN Summit protest was peaceful

Para naman kay Santiago – nangako siyang mag-iiwan ng legasiya sa tanggapan hanggang sa katapusan ng kaniyang liderato.

Magkakaroon din umano ng ‘reward system’ para ma-utilize ang lahat ng kanilang intelligence funds.

Read More:  No extension for COC filing in BARMM parliamentary elections — Comelec

Maalalang si Santiago ay kilalang ‘Manila Sharpshooter’ kung saan ay naka-ligtas ito ng maraming mga biktima ng hostage situations.

Nagsilbi rin itong dating hepe ng isang unit ng MPD Swat, at dati rin siyang judge sa Manila Regional Trial Court.