Miyembro ng Castillo drug group sa Sorsogon, tiklo sa Marijuana

Arestado ang 19-anyos na umano’y miyembro ng notoryus na drug group sa Sorsogon sa ikinasang anti-illegal drug operations sa bayan ng Gubat.

Kinilala ang drug suspect na si Frensil Vancarl Astrologo Lastrilla na umano’y miyembro ng Castillo drug group.

Positibong nakapagbenta ito sa isang police asset ng 8 gramo na tuyong dahon ng Marijuana kapalit ng P960.00 na buy-bust money na naging dahilan ng kanyang pagkaaresto.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ang anti-illegal drug operations ay pinangunahan ng Provl Drug Enforcement Unit ng Provl Spl Operations Unit ng SPPO, 1stPMFC at ng Gubat MPS.

Ang buy-bust ay ikinasa madaling araw noong Linggo, Abril 2, 2023.

Nagagalak naman na sinabi ni PNP RD Westrimundo Obinque na ang pagkadarakip sa suspek ay isang patunay ng mahigpit na operasyon ng PNP para labanan ang iligal na droga.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Hinimok nito ang mga pulis na patuloy na gamitin ang BIDA o Buhay  Ingatan, Droga Ayawan, bilang isang komprehensibong diskarte upang maitaas ang kamalayan sa masamang epekto ng mapanganib na droga sa aktibong partisipasyon ng Kasimbayanan o Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan.