Miyembro ng BINI na si Aiah, hinimok na igalang ang kanilang personal space

Nanawagan ang miyembro ng Nation’s Girl Group na BINI na si Aiah Arceta na irespeto ng kanilang mga tagasuporta ang kanilang personal space matapos ang kamakailang insidente sa Cebu.

Nagpahinga kasi ng ilang sandali ang mga miyembro pagkatapos ng napakatagumpay na tatlong araw na konsiyerto sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Read More:  Tom Rodriguez expecting second child with non-showbiz wife

Ngunit nag-viral sa social media ang isang video kung saan lumapit ang isang lalaki kay Aiah habang naglalakad ito sa isang bar kasama ang kanyang mga kaibigan.

Read More:  Dawn Chang gets surprise marriage proposal from NAPOLCOM commissioner Ralph Calinisan on game show

Ayon sa mga fans, hindi na nito nirespeto ang personal space ng BINI member dahil nilapit pa nito ang kanyang mukha.

Binigyang-diin ni Arceta na tao rin sila, at hiniling na igalang ng mga tagahanga ang kanilang personal space.