Underground tunnel ng umano’y Chinese bosses ng POGO, sinalakay ng mga otoridad

Nadiskubre ng Pampanga PNP at local officials ang umano’y exclusive resort na ginagamit ng Chinese bosses na namamahala sa operasyon ng POGO sa Bamban Tarlac at Porac Pampanga.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Maliban dito, nadiskubre rin nila ang subject ng search warrant tulad ng hazing paraphernalia, handcuffs, baseball bat at incriminating documents.

Nadiskubre pa sa imbestigasyon ang ipinatayo na resort at bahay ng walang building permit at wala rin itong barangay clearance.

Read More:  1 in 4 vehicles sold in the Philippines were electric vehicles in 2026

Ikinustodiya din ng mga awtoridad ang mga nakatira sa compound at 2 natukoy na incorporators ng Whrilwind Corp., ang kompaniya na nagpapaupa ng property sa Lucky South 99 sa Barangay Sta. Cruz, Porac, Pampanga.