NAGA CITY- Maswerteng nailigtas ang mister sakay ng bangkang de motor sa Pasacao Camarines Sur matapos na masira ang sinasakyan.
Halos sumuko na sa Emmanuel Diaz o “Brother Dodong” sa gitna ng madilim, maulan at mahanging gabi. Naisip nitong iparating ang kaniyang sitwasyon sa kanilang group chat. Natanggal ang “ihi” ng bangka sa karagatang sakop ng Barangay Caranan o sa may Sitio Sarimao, mahina na rin ang ilaw niya kaya hindi makapag signal light at panay ang alis ng tubig o paglimas sa bangka nitong Dec. 11, Sabado ng gabi.
Umaksyon ang Philippine Coast Guard, Maritime Police At 907 Squadron sa panawagan ni Michelle Candelaria sa sitwasyon ni Bro. Dodong. Ibinahagi sa BNFM Naga ni PO1st Efren Abanilla , substation commander ng PCG Pasacao na naging pahirapan ang paglocate kay Brother Dodong subalit nabuhayan ng loob ang mga rescuer nang may makitang maliit na ilaw. Naabutan nila na ang direksyon ng bangka ay mapapadpad na papunta sa karagatang sakop ng San Pascual Masbate.
Magsisimba sana sa Caranan si Diaz kinabukasan. Gayunpaman sinabi ni Abanilla sa mg anasa coastal areas na kung masungit ang panahon, huwag nang magpumilit, kung maganda naman ang lagay ng panahon pag-alis tiyaking maayos ang lahat ng parte ng bangka, makina at may communication devices.