11-anyos at pababa pinapayagan nang makapasok sa mga establishments sa Naga City sa isang kondisyon

NAGA CITY- Pinapayagan na simula kahapon Dec. 13, 2021 na makapasok sa mga business establishments, simbahan at pook sambahan gayundin ang makapunta sa mga pampublikong lugar ang mga batang edad 11-anyos pababa sa Naga City kung fully vaccinated na ang magulang o kasamang guardian.

Ito ang nakasaad sa bagong guidelines na inilabas ng Naga City Health Emergency Response Task Force.

Read More:  2 men killed, 2 women injured in Cotabato City ambush

Ngayong papalapit ang pasko, inaasahan ang pagdagsa ng mga mamimili sa mga supermarkets at malls , bagay na pinaghandaan na ayon kay Coun. Joe Perez ng Committee on Consumer Protection.

Gayunpaman nasa datus na 16-libo pa ang kailangan mabakunahan sa Naga City ng 1st dose laban sa COVID-19 bago matapos ang 2021, upang maabot ang 70% ng 209K population upang makamit na ang inaasamsasam herd immunity. Marami mang kailangang bakunahan, isa ang Naga sa mataas ang vaccination performance sa Bicol.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Sa record ng City Analytics Team kasama ang Ateneo de Naga – Institute for Environmental Conservation and Research patuloy ang pagsadsad ng trendline ng COVID-cases sa business hub na pilgrim City.