Trending sa social media ang isa sa mga kandidata ng “Miss Manila 2024,” si “Miss Pandacan,” dahil sa kaniyang tapat na pagsagot na hindi niya alam ang ibig sabihin ng “spirit animal.”

Nang tinanong siya ng mga hosts na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel kung sino o ano ang kaniyang “spirit animal,” agad niyang inamin ang kaniyang kawalan ng kaalaman tungkol dito.
Ngunit imbis na kabahan, ay parang nilaro niya pa ang Q&A. Saad nita, ““Ooohhh, I think my spirit animal is something that I’m… Uhm… I think my spirit animal is… What’s a spirit animal to be honest?”
Sa isang iglap, si Miss Pandacan ay naging isang instant icon at pinag-uusapan ngayon sa iba’t ibang online platforms matapos gumawa ng memes ang mga netizens at nagbigay ng kani-kanilang reaksyon.
Hindi man siya nanalo, nagbigay saya naman siya sa mga manunuod, at ang kanyang pagiging prangka at aliw ay nagdulot ng paghanga at pagtangkilik mula sa maraming netizens.