Alexa Ilacad, hindi nakapagtimpi sa isang basher

Sinagot at hindi nakapagtimpi si Alexa Ilacad sa hindi magandang tabas ng dila ng isang basher na sinabihan siyang may hindi magandang bahagi ng kanyang katawan.

Sa pamamagitan ng Instagram story, ibinahagi ni Alexa ang screenshot ng pakikipagsagutan niya sa isang basher.

Diretsong sabi ng netizen sa kanya, “Ang ganda mo pero may something talaga sa katawan mo na mejo off.

Sagot ni Alexa, dapat ay nag-research muna ang netizen bago nagkomento dahil ang katawan naman ng tao ay may iba’t ibang hugis at laki.

Giit pa niya, “2024 na pero hindi ka parin aware na our bodies come in different shapes, sizes, and proportions? I’d suggest you to hit the books before making comments that are very off.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *