Patuloy ang pagdagsa ng mga aplikasyon para sa Miss Kasanggayahan Phils. 2024.
Ayon sa Sorsogon Provincial Tourism Culture and the Arts Office (SPTCAO), mayroon nang 90 na mga aspirants ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para sa nasabing pageant sa peryodo hanggang alas 9:00 ng umaga kahapon Hulyo 22.
Sa kabila nito, patuloy na hinihimok ng SPTCAO ang lahat ng mga dilag na interesado na sumali na magsumite na ng kanilang aplikasyon bago pa ito magsara.
Ang Miss Kasanggayahan Philippines 2024 ay bahagi ng selebrasyon ng Kasanggayahan Festival na gaganapin sa buwan ng Oktubre.
Naglalakihang papremyo ang nakalaan kabilang na ang P2.5M para sa makokoronahang Miss Kasanggayahan Philippines 2024.
