Miss Globe 2021 Maureen Montagne, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Miss Globe 2021 Maureen Montagne, kung saan ibinahagi nito ang malungkot na pangyayari sa kanyang Instagram.

Ayon kay Maureen, kasalukuyan siyang naka-self isolate, matapos mahawa ng naturang virus noong holiday season.

Read More:  Bea and Vincent tie the knot

Sa location ng kanyang post, nakata-tag ang Arizona bilang kanyang kasalukuyang lokasyon.

Nagpapasalamat naman ang beauty queen na siya ay fully vaccinated dahil hindi ganun kalala ang kanyang naramdaman, kasabay ng pahihikayat sa mga unvaccinated na magpabakuna na.

Read More:  Bea and Vincent tie the knot

Dahil dito, kinailangan ni Maureen na ipagpaliban ang kanyang international flight pauwi, hanggang sa katapusan ng buwan.