Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos si Information and Communications Technology secretary Ivan John Uy na tugunan ang problema sa jobs mismatch sa ICT industry.
Sa Cabinet Meeeting kahapon, sinabi ng Kalihim na walang sapat na ‘tools’ at ‘trainings’ ang mga ICT graduates na nire-require naman ng industriya.
Pinatitiyak ng Pangulo na makikipag-ugnayan si Uy sa mga ICT industries para malaman ang dahilan ng underemployment at mismatch sa mga trabaho.
Maliban pa rito, ipinag-utos din n Marcos sa kanyang Gabinete ang pagkakaroon ng scholarship program sa mga STEM (science, technology, engineering, mathematics) courses.
Sa ganitong paraan, mas mahihikayat ang mga senior high school at college students na kumuha ng mga STEM-related programs dahil sa kakulangan ng mga tao sa naturang industriya.
