LPA posibleng mabuo bilang bagyong ‘Paeng’ sa loob ng 24 oras – PAGASA

Inaasahang magiging ganap na bagyo sa loob ng 24-oras ang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa 990 km East ng Eastern Visayas.

Bagamat wala pa itong direktang epekto sa bansa, tatawagin itong bagyong Paeng kapag tuloyan maging bagyo.

Patuloy naman nakakapaekto ang Shear Line sa Southern Luzon.

Read More:  DILG to enforce DOJ order to arrest Bato Dela Rosa

Ang Palawan, Visayas, at Mindanao ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng through ng LPA.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Shear line ang aasahan sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Mindoro Provinces, Marinduque at Romblon.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at Aurora ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.

Habang ang Rehiyon ng Ilocos at nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahinang mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.