Misis, pinatay ng mister sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- “Till Death Do Us Part” pero sa Buhi , Camarines Sur napatay ng mister ang kaniya mismong misis.

Sa report nang PNP Buhi 12:58 ng hating gabi nang mangyari ang insidente sa Barangay San Jose Salay, nakita na lamang ng mga kapitbahay na patay na ang 30-anyos na si “Mercy” at suspek sa pagpatay ang mister na si “Jolito”.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Buhi Chief of Police PMaj. Andrew Alcomendas, sinabi nitong narinig ng mga kapitbahay ang diskusyon ng mag-asawa pero hindi malinaw kung ano ang pinag-aawayan ng mga ito, hanggang sa nakita na lamang na may mga tama ng taga at saksak ang biktima dahilan ng pagkamatay.

Napag-alaman pa ng PNP na bago tumakas ng suspek, iniwan nito sa kapitbahay ang cellphone. Ayon kay Alcomendas , bubuksan nila ang cellphone na nakikitang magiging malaking tulong upang matukoy ang dahilan ng pagpatay.

Nagpapatuloy ang hot pursuit operation upang mahuli ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *