Minority leader, nagbabala na gagawin lamang magnet for attacks ang plano ng gobyerno na pumasok sa VFA sa Japan

Nagbabala si House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na magiging magnet for attacks lamang umano ang plano ng gobyerno na pumaspl sa isang Visiting Forces Agreement sa Japan.

Sa iminungkahing military deal, sinabi ng mambabatas na ito ay sumasalungat sa independent foreign policy na naunang sinabi ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na nais niyang ituloy.

Inilabas ni Castro ang kanyang pahayag matapos na sabihin ni  House Speaker Martin Romualdez,  na ang dalawang bansa ay ay nasa general direction na ng pagbuo ng isang kasunduan tulad ng VFA kung saan pahihintulutyan ang Japan troops na ma-access ang mga military bases sa Pilipinas at magsagawa ng joint drills.

Sinabi pa ng mambabatas na kailangang tingnan ang social cost ng paglalagay ng military bases sa bansa at iginiit ang pagtutol niya rito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *