Minimum wage sa Metro Manila hindi kayang sumabay sa paggalaw ng inflation

Lumabas sa pag-aaral ng grupong IBON Foundation na hindi kayang sumabay ang minimum wage sa Metro Manila sa paggalaw ng inflation sa bansa.

Dahil dito, inirekomenda ng grupo ang agarang pagpapatupad ng wage hike o pagtaas ng sahod na kayang bumuhay ng isang pamilya.

Sa ilalim ng kasalukuyang minimum wage, aabot ng P14,373 per month ang sasahurin ng isang empleyado na nagtatrabaho ng limang araw sa isang linggo.

Ang mahigit P14,000 na ito ay 8.5% na mas mababa kumpara sa poverty line para sa pamilyang may limang miyembro. Ang poverty line ay nasa P15,587.

Lumalabas din umano sa pag-aaral na hindi nabibigyan ng sapat na kompensasyon ang mga manggagawa sa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *