Bilang ng mga naipagkaloob na mga titulo ng lupa sa rehiyon sa loob ng dalawang taon, umabot na sa mahigit 7 libo

BNFM Bicol- UMABOT na sa humigit-kumulang 7,200 ang mga naipamahaging titulo ng lupa o Certificates Of Land Ownership Awards kasama ang electronic titles sa 6,969 na mga agrarian reform beneficiaries sa iba’t ibang mga probinsya sa Bicol.

Ang datos na ito ay mula pa noong 2022 hanggang ngayong taon ayon sa ibinahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) Bicol.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Kasabay nito, iniulat din ni Regional Director Reuben Theodore Sindac na mayroong 9 na constructed at under constructions na mga farm-to-market roads sa tatlong mga probinsya sa Bicol: Albay, Camarines Sur, at Catanduanes.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Samantala, aabot na rin sa 731 ang naipamahaging mga farm machinery at equipment na nagkakahalang aabot sa P66.4M para sa 581 Agrarian Reform Beneficiaries’ Organizations (ARBOs) na mayroong 32,210 member-beneficiaries. ### Nico Merciales, Intern

Photo from Web