Minimum na pasahe sa tricycle sa bayan ng Basud mananatili sa P20

CAMARINES NORTE- Mananatili sa P20 ang minimum na pasahe sa tricycle sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Vice Mayor Ramir Barrameda na siya ring Chairman ng Tricycle Regulatory Board sinabi nito na wala pang pagbabago sa taripa ng tricycle na kanilang inaprobahan sa panahon ng pandemya.

Aniya, mananatili sa P20 ang minimum na pasahe sa unang dalawang kilometro hanggang wala pang legislation na magbabago sa taripa.

Aminado naman si Barrameda na bababaan na rin sana ng LGU ang taripa sa tricycle ngayong tila bumalik na sa normal ang lahat pero hindi na muna ito ginawa dahil sa walang tigil na pagtaas ng mga produktong petrolyo.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Mayroong mahigit kumulang sa 400 ang tricycle na nagpapasada sa naturang bayan.

Pag uusapan din umano nila ng Executive Branch kung mayroong mapagkukunan ng pondo para makapagbigay ng subsidiya kung saka- sakali sa tricycle sector na labis nang apektado sa mataas na presyo ng gasolina.

Samantala, nagsagawa na ng inaugural session ang SB kahapon.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ani Barrameda, prioridad ngayon ng SB na i- revisit ang mga dating ordinansa at palitan ang mga dapat nang palitan.

Nagpasalamat naman ang opisyal sa pagkakahalal nito sa ikalawang termino dahil bihira umanong mangyari sa naturang bayan na manalo sa unang re- election bid.

Si Barrameda ang ikalawang Bise Alkalde sa naturang bayan na nanalo sa re- election simula noong early 2000’s.

Kadalasan daw kasi ay hindi nakaka re- elect ang mga tumatakbong Bise Alkalde sa naturang bayan