Minero sa bayan ng Paracale arestado matapos makuhaan ng baril at iba’t- ibang uri ng pampasabog sa ginawang Police operation

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang minero matapos makuhaan ng baril at iba’t- ibang uri ng pampasabog sa isinagawang operasyon ng mga pulis dakong alas 9:30 kamakalawa ng gabi sa Purok 4, Brgy. Malaguit, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Enso”, 45 anyos, may asawa at residente sa nabanggit na lugar.

Read More:  Five treasure hunters trapped in Panabo tunnel; three still missing

Bitbit ang search warrant na ipinalabas ng korte tinungo ng mga operatiba ng Paracale Police ang tahanan ng suspek kung saan nakuha dito ang  apat na dinamita, isang  rolyo ng detonating cords, limang piraso ng assembled ammonium nitrate na may time fuse at blasting cap at isang kalibre 38 pistola na kargado ng  anim na bala at walang serial number.

Read More:  Slater Young breaks silence on Monterrazas issue, cites scientific findings

Agad na ikinustodiya ang suspek kasama ng mga nakuhang ebidensya sa himpilan ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon.

Kasong paglabag sa Republic Act 9516 o Unlawful Manufacture, Sales, Acquisition, Disposition, Importation or Possession of an Explosive or incendiary Device at  RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act ang kakaharapin ng suspek.