CAMARINES NORTE- Umaabot sa 593 mga taga Camarines Norte ang nakatakdang kumuha ng Career Service Examination- Pen and Paper Test (CSE- PPT), Professional at Sub- Professional bukas, Marso 13.
Sa bilang na ito 427 ang professional habang mahigit 170 naman ang sub- professional.
Ang venue ng examination para sa professional ay sa Moreno Integrated School habang ang sub- professional naman ay sa Camarines Norte State College main campus Engineering building.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Acting Director II Atty. Alicia Salinas ng Civil Service Commission (CSC)- Camarines Norte, sinabi nito na 12 examinees lang kada kwarto ang pinapayagan mula sa dating 25.
Paalala ni Salinas sa mga kukuha ng examination na dalhin ang original vaccination card, ID na ginamit sa pag file ng application, itim na ballpen at kailangang mag fill- up sa health declaration form.
Hindi na rin umano oobligahing magsuot ng face shield ang mga examinees at ang test administrators taliwas sa naunang kautusan.
Alinsunod ito sa direktiba ng bagong talagang Chairman ng CSC na si Atty. Karlo Alexi Nograles na ipinalabas kahapon pero hinihikayat pa rin daw ang pagsusuot nito.
Hindi na rin umano kailangang mag prisenta ng negatibong resulta ng Antigen o RT PCR test.
“But just the same yung mga minimum protocols yung physical distancing, wearing of mask ay kailangan pa rin and dapat talaga yung health declaration form kasi hindi papasukin sa exam venue kapag may symptoms yung examinees or kahit test administrators,” ani Salinas.
Kapag lumagpas sa 37. 5 ang body temperature ay hindi muna ito papasukin sa venue at pagpapahingain muna ng ng ilang minuto.
Kapag hindi nagbago ay hindi papayagang kumuha ng exam.
Hindi na rin papatapusing mag exam ang examinees kung magpakita ito ng alinmang sintomas ng COVID- 19 sa kalagitnaan ng pagsusulit.
“Ang procedure sa amin na pag halimbawa nag e- exam na diba, kasi wala naman siyang symptoms nung pumasok, so nag eexam na siya, pero in the middle of the exam biglang nagka symptoms nilagnat or ano, ang procedure namin is to stop, ipapa- stop yung tao na yun or examinee na yun na nagka fever and then dadalhin sa asolation pero hindi na siya pwede amg continue ng exam.”
