Mindanao lawmaker, nanawagan sa PAGCOR na maglabas ng listahan ng lehitimo at ilegal na POGO sa bansa

Hinimok ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR na isiwalat ang pangalan ng mga lehitimong Philippine Offshore Gaming Operators o POGO na napagkalooban ng accreditation at lisensya.

Ito’y sa gitna ng ibinunyag ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na isang dating miyembro ng gabinete ang nag-lobby at ginamit umano ang impluwensiya upang mabigyan ng lisensya ang mga POGO noong nakaraang administrasyon.

Ayon kay Barbers, dapat na makipagtulungan si Tengco sa Kongreso aat isapubliko na rin ang lahat ng POGO na nag-o-operate nang walang lisensya.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Lisensyado man o ilegal ay tiyak aniyang “fronts” lamang ang mga ito para sa krimen tulad ng money laundering, drug trafficking, human trafficking at pinoprotektahan ang mga sindikatong sangkot sa pagpatay, kidnapping, torture at rape.

Punto ng kongresista, kung papayagan na magpatuloy ang operasyon ng mga POGO ay mamamayagpag ang korapsyon at criminal system hanggang sa maging norml na lamang ito sa lipunan.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Bumibilis din umano ang trend dahil maging ang mamamayan mula sa ASEAN countries kabilang ang mga Vietnamese, Malaysian at Indonesian ay dumadagsa na sa Pilipinas upang palitan ang mga Chinese workers sa POGO.

Giit nito, nakakapasok ang mga dayuhan nang walang visa bilang miyembro ng ASEAN ang pinagmulang bansa kaya kailangang maging maingat ang Bureau of Immigration sa pagkakaloob ng visa kapalit ng suhol.