1.2 Million na marijuana bricks, narekober sa isang checkpoint sa Kalinga

Narekober ang 1.2 million na halaga ng marijuana bricks na nakalagay sa isang timba ng biscuits sa Sitio Pokcha, Barangay Cagaluan, Pasil, Kalinga kahapon, unang araw ng Hulyo.

Base sa ulat, nagsasagawa ng anti-criminality checkpoint ang mga kapulsian sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga ng mapansin ang isang motorsiklo na biglang pinatakbo ng mabilis ng driber palayo sa checkpoint.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Hinabol ito ng mga kapulisan subalit mabilis na tumakas ang driber at iniwan ang motorsiklo sa Sitio Pokcha.

Narekober ng mga alagad ng batas ang higit kumulang 10,000 grams ng marijuana bricks.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Maliban sa kontrabando, narekober din ang isang motorsiklo, isang timba ng biscuit,isang backpack, at isang pares ng tsinelas.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng driber ng nasabing motorsiklo at kung saan galing ang nasabing kontrabando.

Kaugnay nito, dinala ang mga narekober na ebidensiya sa PDEU/PIU, Kalinga PPO.