Military horses mula sa tirahan ni King Charles, nakawala; 4 – sugatan

Ilang kabayong militar ang nakawala mula sa tirahan ni King Charles III, na ikinasugat ng hindi bababa sa apat na tao at bumangga sa mga sasakyan.

Nagsimula ang gulo nang matakot ang pitong kabayo mula sa Household Cavalry dahil sa ingay na dulot ng mga kalapit na construction work

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Nangyari ito habang nag-eehersisyo ang mga kabayo sa Belgravia, na malapit lamang sa Buckingham Palace.

Read More:  US launches campaign to dismantle ICC

Napatakbo ang mga kabayo sa mga pangunahing kalsada ng Central London, ngunit agad naman nakuha sa ilang sandali.

Ayon sa London Ambulance Service, ginamot nila ang apat na inidbidwal sa tatlong magkakahiwalay na insidente sa loob lamang ng sampung minuto.