Nagtakda ang U.S. Justice Department ng civil settlement para sa mga biktima ni dating USA Gymnastics doctor Larry Nasar, na nakakulong dahil sa sekswal na pang-aabuso sa mga atleta sa ilalim ng kanyang pangangalaga.
Paghahatian ng 139 na biktima ang kabuuang $138.7 million.
Kabilang sa mga biktima ni Nasar ang mga Olympic gold medalists na sina Simone Biles at McKayla Maroney.
Noong 2021, nakalikom naman ng $380 million settlement ang mga biktima ni Nassar sa USA Gymnastics, US Olympic Committee at sa kanilang mga insurer.