Miley Cyrus, nagkaroon raw ng ‘guilt at shame’ sa mga pinagdaanang kontrobersiya

Nagkaroon raw ng ‘guilt at shame’ ang singer na si Miley Cyrus dahil sa mga pinagdaanang maraming kontrobersiya sa kanyang buhay noong mga nakaraang taon.

Unang sumikat ang Hollywood star bilang isang Disney actress sa 2006 teen sitcom na Hannah Montana.

Gayunpaman, habang tumatanda si Miley, marami pa aniya siyang gustong ipakita sa mundo bukod sa kanyang iconic na papel sa Disney, na natapos noong 2011.

Sa isang panayam kamakailan sa British Vogue, nagkaroon ng pagkakataon si Cyrus na mag reflect sa bagay na iyon at inamin na nakaramdam siya ng kahihiyan sa mga kontrobersya noong panahong iyon.

Ibinahagi rin ni Miley na mas pinili niyang baguhin ang kanyang katauhan dahil gusto niyang lumayo sa anino ng kanyang mga magulang, partikular ang kanyang ama na si Billy Ray na isa ring mang-aawit.

Ibinahagi rin ng American star na abala siya ngayon sa pagagawa ng bagong musika na ilalabas sa lalong madaling panahon.

Bukod sa Wrecking Ball, kasama sa iba pa niyang hit na kanta ang Party in the USA, We Can’t Stop, at Flowers.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *