Michelle Madrigal, engaged na!

Confirmed!!! Enganged na si Michelle Madrigal!

Ibinahagi ng aktress-turned-realtor sa isang Instagram story na mayroon na siyang fiance!

Ilang linggo lang ito matapos niyang i-‘soft launch’ ang kaniyang bagong relasyon.

‘YES, I am marrying the man God sent me during my waiting season’ sabi ng dating aktres.

Sabi ni Michelle, mas pinili niyang maging pribado magmula ng kaniyang huling relasyon at sa tinigin niya’y ito ang kaniyang naging ‘best decision’.

“No matter what you do, people will always have something to say. So, live your life and follow the path that God has given you.” dagdag pa ni Michelle.

Bagmat hindi niya ipinakita ang mukha ng kanyang fiance, kita naman sa post ang kaniyang engagement ring. (Jhaldea Rulona – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *