Nakatakdang isubasta ang jersey na isinuot ng basketball legend na si Michael Jordan sa Game 1 ng 1998 NBA Finals, ang kanyang huling title victory, sa Setyembre para sa estimated $3-5 million.
Ang iconic red Chicago Bulls jersey, na may numero ni Jordan na 23 sa likod, ay ikalawang isinuot nito sa kanyang anim na championships ang ibebenta sa auction.
Ang jersey ay unang ipapakita sa publiko sa Monterey, California bago ipadala sa New York, kung saan may pagkakataon ang mga fans na makita ito sa online auction mula September 6-14.
Ayon sa Sotheby, na karamihan sa mga NBA Finals jerseys ni Jordan ay nananatili sa pribadong kamata, bagama’t ibinigay umano nito ang isa sa Smithsonian National Museum ng African American History and Culture.
Nabatid na ang 59-anyos na si Jordan ay iginugol ang malaking panahon ng kanyang basketball career sa Bulls, kung saan dito niya napanalunan ang anim niya mga titulo, at nagretiro noong 2001 para maglaro ng dalawang seasons sa Washington Wizards.
