Ticket para sa U.S Open, in demand matapos ang retirement announcement ni Serena Williams

Mataas ang demand ng tickets para mapanood ang tennis great Serena Williams sa aksyon sa U.S. Open sa loob ng 24 na oras, matapos nitong ianunsyo ang kanyang nakatakdang pagretiro.

Ayon sa ticket retailer StubHub, na sa nakalipas lang na 24 hours, walong beses na mataas ang sales para sa U.S. Open kumpara sa daily average, pero ang magandang balita para sa mga fans, ay nanatili umano ang presyo ng tickets, senyales na marami ang inventory nito para sa mga taong nais na makapanood sa naturang historic moment sa sports in-person.

Nabatid na anim sa 23 Grand Slam titles ni Williams, ay nagmula sa U.S. Open at naabot nito ang final sa Flushing Meadows noong 2019.

Matatandaan na noong 2017 nang mapanalunan ni Williams ang kanyang last major sa Australian Open, habang buntis sa kanyang anak na si Olympia.