Inanunsyo nina Jessy Mendiola at Luis Manzano na magkaka-baby na sila.
Sa kanilang YouTube video na may titulong “A New Chapter,” makikita dito ang clips mula sa prenup shoot, civil wedding ceremony, married life, at ang pregnancy journey ng mag-asawa.
Para sa mag-asawa napakagandang surpresa umano ito para sa kanila.
Ibinahagi rin ng dalawa na naka-plano na ang kanilang church wedding ngayong taon, pero mas maganda umano ang ibinigay sa kanilang ng Panginoon.
Dahil dito, ipagpapaliban nina Jessy at Luis ang kanilang church wedding, hanggang sa dumating ang kanilang bundle of joy.
Matatandaan na noong Abril 2021 nang ibahagi ng mag-asawa na ikinasal sila noong Pebrero nang kaparehong taon.
