Naaalarma ang Manila International Airport Authority sa mga ulat ng hindi awtorisadong aktibidad ng drone sa loob ng 10-kilometer aerodrome radius ng Ninoy Aquino International Airport.
Nakikipag-ugnayan na ngayon ang MIAA sa Civil Aviation Authority of the Philippines para mas mahigpit ang pagpapatupad ng regulasyon para maiwasan ang pagpasok ng mga drone sa loob ng NAIA.
Matatandaan na noong 2023, mayroong 10 naitalang nakakita ng walang lisensyang drone operations habang apat na insidente ang naiulat sa unang quarter ng 2024.
Nagbabala naman ang MIAA na ang hindi pagsunod sa mga regulasyon ng operasyon ng drone ng CAAP ay maaaring magresulta sa serious legal charges, kabilang ang malaking multa at pagkakakulong.