NAGA CITY- Nagsagawa na ng pro-active measures ang ang Department of Agriculture upang hindi makapasok sa rehiyon ang Q-fever na sakit ng mga ruminant animals.
Sa advirosy ng DA-Bicol sinabi na nakapag reactivate na sila ng Regional Quick Response Team (RQRT) on Animal Diseases. Mas pinaigting na rin ang implementasyon ng quarantine protocols sa mga check-points sa Bicol tulad ng sa Tabugon , Sta. Elena Camarines Norte. Nanawagan din sa mga Provincial Government at sa mga LGUs na maging alerto. Babantayan ang mga buhay na hayop na manggaling sa Pampanga at Marinduque pati ang mga imported na kambing, tupa, baka at kalabaw.
Nanawagan din na bantayan ang kalusugan ng mga hayop. Ganito na rin ang abiso ni Cabusao Municipal Agriculture Officer Engr. Joey Moral. Aniya lahat ng klase ng hayop na ito ay mayroon sila. Habang wala pa aniyang pormal abiso ukol dito MDRRM mas mabuti na rin ang mag-ingat upang hindi maapektukan ang hanapbuhay at ang industriya ng pagppastol.