MIAA, magpupulong ngayong araw hinggil sa mga nakitang peste sa NAIA

Ipinatawag na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang housekeeping, exterminators at iba pang service provider ng Ninoy Aquino International Airport para sa pagpulungan ngayong araw ang mga nakitang peste sa paliparan.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Matapos kasing mag-viral ang video na may mga suort ang upuan at may nakita pang daga, namataan naman ang isang  ipis na gumagapang sa isa sa mga upuan sa departure area ng NAIA Terminal 3.

Aminado ang MIAA na hindi katanggap-tanggap ang ganitong mga insidente kaya naman pag-uusapan nito sa meeting ang kanilang gagawin na aksyon upang masolusyunan ito.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Pag-uusapan rin nila kung paano ang magiging proseso upang mabawasan ang mga insidenteng ito, lalo na’t kung sa ibang bansa galing ang mga nasabing peste.