Kalinawan ng isip at kabutihan ng puso – mensahe ni Pangulong Marcos ngayong Eid’l Adha

Nakikiisa si Pangulong Bongbong Marcos sa pag gunita ng mga kapatid nating Muslim sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ngayong araw.

Sa kanyang mensahe, hinimok ng Pangulo ang mga Pilipino na pag nilayan ang buhay at kwento ni Ibrahim, kung papaanong handa nitong isakripisyo ang kanyang anak alang-alang sa pag sunod sa kalooban ni Allah.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Anya, itanim sa isipan na may kapakinabangan ang pagsuko at pagbitaw sa mga bagay o maging sa mga taong mahalaga sa atin.

Hangad ng Pangulo na lumago rin ang karunungan at katatagan ng mga Pilipino habang hinaharap ang iba’t ibang hamon.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Sa pamamagitan din anya ng pananampalataya sa poong lumikha, nawa’y magkaroon ng kalinawanagan ng isipan at kabutihan ng puso upang malampasan ang mga pag subok na pumipigil upang ganap nating makamit ang tunay na kapayapaan.