Philippine Port Authority, binalaan ang publiko sa text scam na ginagamit ang kanilang ahensya

Binalaan ng Philippine Port Authority (PPA) ang publiko na huwag maniwala sa text scam na kumakalat at ginagamit ang pangalan ng kanilang ahensya.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago na ang modus ng mga nasa likod ng text scam ay magpapanggap na taga PPA at naniningil ng bayad para sa isang kargamento.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Paglilinaw ni Santiago, walang ganoong proseso ang PPA, kaya kung makakatanggap man ng kahalintulad na mensahe ay huwag nang pansinin lalo na kung wala namang inaasahang shipment.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Hinimok din nito ang publiko na bisitahin ang kanilang mga social media pages para sa mga anunsyo.