CAMARINES NORTE – Bumaba ang bilang ng mga turistang nag- island hopping sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte noong Semana Santa dahil sa paghihigpit ng Philippine Coast Guard.
Sa pakikipag usap ng Brigada Nws FM Daet sa ilang mga tagapamahala ng Apuao Grande resort, sinabi ng mga ito na mas marami ang mga turista noong nakaraang taon kaysa ngayong Semana Santa.
Anila ito ay dahil sa paghihigpit ng Coast Guard na hindi na pinapayagan ang island hopping kung hindi sakay ng pang turistang bangka.
Mababatid na naghigpit ang Coast Guard sa mga bangkang naghahatid ng turista sa mga islang madalas na pinupuntahan kapag ganitong panahon.
Ito ay upang masiguro ang kanilang kaligtasan at sumakay lang ang mga ito sa bangkang accredited ng Local Government Unit at local tourism office.
