COVID-19 death toll sa Bicol, pumalo na sa 2,202

BNFM BICOL—Umabot na sa 2,202 ang kabuuang death toll ng COVID-19 sa Bicol batay sa pinakahuling ulat na inilabas ng DOH kahapon araw ng Biyernes.

Sa tala ng ahensya, 12 mga bagong kaso ng pagkasawi ang naidagdag sa lalawigan ng Albay dahilan upang sumipa sa 477 ang bilang ng mga nasawi sa lugar dahil sa nasabing sakit.

Read More:  30 arrested in raid on alleged Atong Ang-linked e-sabong hub in Negros Occidental

Ganunpaman, ang lalawigan pa rin ng Camarines Sur ang nakapagtatala ng pinakamataas na bilang ng fatalities na umabot na sa 512; sinusundan ito ng Albay; sumunod ang Sorsogon na may 473; pawang may 224 ang Camarines Norte at Naga City; may 116 ang Catanduanes; may 97 ang Legazpi City habang nananatiling may pinakamababang death toll ang Masbate na mayroong 74.

Read More:  Bantay Dagat boat destroyed by fire off Alcoy, Cebu

Dahil dito, nasa 3.74% na ang case fatality rate ng rehiyon kung kaya’t sakabila ng pagbaba ng mga naitatalang kaso, ay patuloy pa ring pinag-iingat ng DOH ang bawat Bicolano laban sa deadly virus.###