Chinese national na nakumpiskahan ng mga hinihinalang hacking equipment sa Makati, nahaharap sa deportation charges

Nahaharap ngayon sa deportation charges ang Chinese national na nakumpiskahan ng mga pinaghihinalaang hacking equipment sa Makati City matapos matuklasang overstaying na ito sa bansa.

Ayon kay BI intelligence division chief Fortunato Manahan Jr., inaresto ng kanyang mga tauhan ang 32-anyos na si Liu Yuhang habang nasa opisina ng Philippine National Police’s Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Camp Crame, Quezon City.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Itinuturing si Liu na “undesirable alien” dahil hindi na niya na-update ang kanyang visa simula pa noong August 2022.

Read More:  Entomologist Ravindra Joshi pushes biological controls to combat RSSI infestation

Dumating si Liu sa bansa noong July 2018.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng BI Facility sa Tagug ang dayuhan habang hinihintay ang kanyang deportasyon.