Kotse, tinupok ng apoy sa Atimonan, Quezon

Tinupok ng apoy ang isang kotse sa Barangay Malinao Ilaya, Atimonan, Quezon nitong Huwebes, Hunyo 13.

Sa isinagawang imbestigasyon ng awtoridad, patungo noon sa direksyon ng Pagbilao, Quezon ang kotse na minamaneho ni alyas “Vicente” nang magkaroon ng problema sa electrical wiring na naging sanhi ng pagkasunog nito.

Nagtamo ng nasa ₱300,000 halaga ng pinsala ang nasabing sasakyan.

Samantala, ligtas naman ang driver at wala namang nasaktan sa nangyaring insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *