Mga taong ilegal na nagbebenta ng TUPAD merch, pananagutin ng DOLE

Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko laban sa hindi otorisadong reproduction, distribution, at pagbebenta ng mga materyal kaugnay ang TUPAD.

Ito ay matapos makatanggap ng balita ang ahensya na may ilang mga tao na nananamantala sa TUPAD program na nagbebenta at nagdi-distribute ng merch sa mga miyembro ng progama.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Sa isang social media post, inabisuhan ng DOLE National Capital Region na ang pagbebenta ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) merchandise gaya ng handbooks, shirts, at mga caps ay mahigpit na pinagbabawal.

Dahil dito, hinikayat ng ahensya ang publiko na agad na i-report na ang anumang impormasyon hinggil sa mga tao at entities na ilegal na nagsasagawa ng naturang mga gawain upang mapanagot ang mga ito.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ang TUPAD ay isang community-based assistance program ng DOLE na nagbibigay ng emergency employment sa mga nawalan ng trabaho, walang trabaho, at seasonal workers.