DOTr, nais alisin ang pagdepende ng publiko sa private cars

Isinusulong ng Department of Transportation (DOTr) ang multi-sectoral approach sa urban development sa pamamagitan ng mga transport systems.

Ito ay kasabay ng tina-target ng DOTr na alisin ang pagiging dependent ng mga Pilipino sa mga pribadong sasakyan.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Paliwanag ni DOTr Secretary Jaime Bautista, dahil sa pag-capitalize sa transit-oriented development infrastructure, mahihinto na ang cycle ng car dependency, na siyang magdudulot naman ng pagtangkilik sa public transportation upang maisaayos ang traffic sa malalaking kalsada.

Binigyang-diin din nito na makatutulong ang principle of transit-oriented development sa pagkakaroon ng epektibong transportasyon, at bababa ang energy consumption na siya namang may magandang epekto sa climate change.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Samantala, sinabi ni Bautista na ang proyektong ito ay nangangailangan ng malaking pondo, kaya lumapit na sila sa pribadong sektor para sa investment collaboration.