Mga tanod ng Barangay Balatas, Naga City full force sa gaganaping Grand Marian Procession

NAGA CITY- Full force ang mga barangay tanod ng Balatas, Naga City ngayong araw sa gaganapin na Grand Marian Procession mamayang alas singko ng hapon kung saan inaasahan ang pagdagsa ng maraming perigrino at deboto ni Inang Peñafrancia at iba pang Canonically Crowned Marian Images galing sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Ferdinand De Hitta, punong barangay ng Balatas, aalalay ang kanilang mga tanod simula sa paglabas ng mga marian images sa Our Lady of Peñafrancia Minor Basilica and National Shrine hanggang sa matapos ang prusisyon.

Taon-taong ginagawa ang Peñafrancia de Mayo sa lungsod ngunit malaking selebrasyon ang inaabangan ngayong taon dahil na rin sa 100 Canonical Crowning kay Inang Peñafrancia sa darating na Setyembre. Dadaan naman ang nasabing prusisyon sa mga major streets ng lungsod partikular sa kahabaan ng Magsaysay Avenue, didiretso sa M.T Villanueva St., lulusot sa may Jacob St at Elias Angeles St. at liliko sa may Plaza Quince Martires. Dadaanan rin ang Peñafrancia Avenue pabalik sa Peñafrancia Basilica Minore kaya asahan ang matinding traffic dahil sa mga isasarang kalsada.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *