Estudyante at guro, nahirapan huminga dahil sa usok nasunog na Old  Balatas Dumpsite

NAGA CITY- Naapektuhan ang usok at amoy ang nasusunog na basura ang ilang mga estudyante at guro  sa Balatas National High School; ang iba sa kanila nahirapang huminga at may dinala pa sa ospital.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni School Principal Rose De Mata. Aniya noong una hindi sila apektado pero noong papunta sa kanila ang direksyon ng hangin, doon na nagsimulang sumama pakiramdam ng mga mag-aaral at guro. Isang estudyante ang dinala sa Naga City General Hospital. Kapon balik in person class at maayos na rin ang lagay ng mga mag-aaral.

Mayo 7 nang masunog ang lumang basurahan, nafire out pero nag rekindle at muling naapula, ngayon may nagbabantay pa ring mga personahe ng Solidwaste Management Office sa sitwasyon sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *